Ano ang red tide?
Ang red tide ay isang uri ng pamumula o pagkukulay kalawang ng tubig dagat sanhi ng mabilis na pagdami ng mga organismong tinatawag na dinoflagellates.
Ang red tide ay isang pangyayaring dulot ng pagbabago sa kundisyon ng tubig-dagat. Hindi sa lahat ng panahon na ang red tide ay may pamumula sa tubig-dagat. Ito ay sa kadahilanang ang mga organismo ay hindi namamalagi sa kanilang kinalalagyan kundi kumikilos ng pataas o pababa sa “water column.” Ito ay nakikita kapag ang kaniyang dami ay umaabot na sa 10,000 cells/liter ng tubig-dagat o higit pa.
SOURCES:Department of Agriculture
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
National Red Tide Task Force
Inter-Agency Committee on Environmental Health
Department oh Health
http://www.gmanews.tv/htmfiles/redtide.htm
No comments:
Post a Comment